Sunday, October 1, 2017

10/01/2017 6:07 PM



It's been a while mula noong huli akong nakapag sulat dito sa blog na to 😊. Medyo naging busy ako spending the best days of my life, mula nung mga araw na nililigawan ko sya hanggang sagutin nya na ko. Marami na ding dumaang special events. At araw araw pading masaya ang mga araw kasama sya.

Dahil marami na kong namiss isulat, kasi noong una balak ko sana isulat dito ang buong kwento namin. Simula ngayon. I'll just make this blog as my daily journal. Dito ko ikukuwento ang mga nangyari buong araw kasama sya. At babalikan ko din dito ang masasayang events sa kwento namin. At simulan na natin today.

Today is Sunday, yeah it's lazy sunday afternoon. Nakahiga ako sa kama ko habang nakikita ko sa bintana ang nagaagaw na liwanag at dilim. Wala akong masyadong nagawa today, and yesterday. Piniki ko nalang magpahinga dahil sa nakakapagod na trabaho. But during this lazy sunday afternoon's sa mga gantong araw at panahon talaga lumalabas yung mood ko para magsulat. Lalo na namimiss ko sya sa mga panahong to. Ewan ko ba, kasama ko na sya buong linggo pero miss ko agad sya.

Actually last friday (09/29/2017) was our 2nd monthsarry. Wala akong gift that day, medyo kinapos kasi sa budget (pero babawi ako promise).  But that was a happy day. I remember we hugged each other in the office the moment we stand from our chairs before we take our break. Rare moments na bibihira lang talaga mangyari. And syempre nagcelebrate padin kami. It's friday night so masarap uminom, and we invited our officemate and yosi mate JL para nama maiba. Walang beer sa fav. Inuman place namen, edi lipat kame sa malapit lang naman. We're about to order beer pero may promo sila, cocktail na red label yung base. Ok naman sya ang ganda pa sa picture kasi nakacask barrel sya.



And yes we both love drinking that's why we celebrated our monthsary like that. Pero hindi naman laging ganun ang plano ko sa mga paparating pang monthsarry namen.

And yes 6:02 PM na at this very moment I'm typing this. I need to have my dinner na. And kamusta na kaya sya. Sana nakauwi na sya ng safe and sana kasama nya na si baby zach 😊. I love you love. I miss you 😘

Pero dahil mahina ang internet. Mamaya ko na to ipopost.

No comments:

Post a Comment