It's All About Lou
Sunday, November 19, 2017
11/19/2017 4:14 PM
Today is the saddest day ever here in the office. First day na hindi na ki na sya makakasama dito. Saglit nalang din naman ako magtitiis kasi malapit narin akong umalis.
Dahil sobrang lungkot, I check the photos on my gallery at hinanap ko ang pinakamasayang moment ko with her. This photo was taken last 07/29/2017. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na to. Eto yung araw na sinagot na ko ni Lou pagkatapos ng mahaba habang panliligaw. And this is something na hinding hindi ko talaga inasahan.
Night before that nanood kame ng movie ni empoy at allesandra (Kita Kita). It's a local romcom film at grabe ang galing ng movie na to. Dun ko lang din nakita si lou na tawa ng tawa. Aftee the movie hinatid ko na sya pauwi at nagtaka lang ako kasi sabi nya i should wear something good tomorrow. Sabi ko pa, "dont I look good with what Im wearing everyday?". Sagot nya lang dapat ok daw ang suot ko kasi nga birthday party ng anak ng office mate namin ang pupuntahan namin, despedida na din ng officemate namin na nagresign.
Kinabukasan ayun sinundo ko na sya nagkita kame sa office. Nagulat ako ang ganda nya that day with her new black and white dress. Ako naman normal jeans and plain shirt lang na lagi kong suot. Nagpunta na kame sa party, asusual kainan at inuman muna. Sa kalagitnaan ng party bigla nalang ako inutusan ni ate gwen kunin ko daw ang cake sa ref. Pinipilit kong buksan yung box ng cake pero ayaw nilang pumayag (sa isip isip ko, bakit ba para sisilipin ko lang naman) akala ko kasi pang surprise yung cake sa bday celebrant.
Maya maya may kumakanta ng ng 2 less lonely people (theme song ng movie na pinanood namin last night) then they let me open the box.
Sobrang gulat ko talaga! Pagbukas ko ng cake nakita kong para sakin pala yun. Nakasulat YES! I love you too Glenn #always. Wow sinagot na ko ni Lou. Hindi ko maipaliwanag ang saya na naramdaman ko that time. Di ko ramdam na nagsisigawan na pala lahat ng tao, nagulst din sila kasi ilan lang pala ang nakakaalam sa mangyayari.
Thank you love. That's the happiest moment in my life. Thank you for accepting me and letting me become a part of your life. Same as what i promise before hindi ako magbabago. Kung ano ako nung nililigawan pa kita it will say the same.
Always!
Saturday, November 18, 2017
11/18/2017 9:55 PM
Bukas first day ko sa work na wala na si Lou na office dahil lilipat na sya ng trabaho. Kahapon naman yung last day na magkasama kame sa office. Medyo malungkot na hindi na kame araw araw magkakasama pero maganda naman ang mga reasons namin kung bakit kailangan namin magkalayo. And today i've decided, i'll use this blog to write all our happy memories para pwede naming balikan tuwing mamimiss namin ang isat isa.
This picture was taken last thursday 😊. Despedida para sa nalalapit na pagalis nya. Kasama namin yung dati at bago naming supervisor sa trabaho.
Malungkot talaga kasi dati ganado ako pumasok, I know na pagpasok ko makikita ko na sya. Dati pag may kailangan sya or pag di maganda pakiramdam nya madali ko syang maaasikaso. Kasabay ko sya madalas kumain or magyosi tuwing break time. Yung dati biglaang magiinom kaming dalawa. At lagi ko syang nahahatid pauwi.
Pero gano man kalungkot, hindi kame dapat magpatalo. Para naman to sa ikakabuti naming dalawa. Nakahanap na sya ng magandang trabaho na malapit lang sa bahay nila, para hindi na sys mapagod. At ako naman marami nading options. This will also be our preparation for the future.
Pero love thank you for almost 2 years na magkasama tayo. Last 4 or 5 months ofcourse was the happiest. Goodluck on your our new journey 😊. Lagi lang akong nandito para sayo, alam ko ganun ka din. I love you 😘
Sunday, October 29, 2017
10/30/2017 1:30 PM
(Nasulat ko na to Sunday 10/15/2017 wala kasing time kaya ngayon lang naipost)
Sunday again. Sakit ng katawan ko feeling ko kelangan kong ipagpag ang katawan ko kaya lang wala naman akong kasamang maghike 😂. Next week nalang.
Nga pala mapapansin nyo na yung mga post ko dito hindi talaga in chronological order. Wala eh di pa concrete sakin yung idea kung pano ko ba gagawin tong blog na to. Di ko padin alam kung itutuloy ko pa yung pagkwento ng buong love life namen na kasunod ng 1st post ko. Basta ang gingawa ko sa ngayon titingin ako ng pic sa gallery ng phone ko then saka ako magsusulat.

This picture of us was taken last 07/21/2017. Naka leave sya nun at ako naman nagpanggap lang sa boss namin na may sakit ako 😂 haha it was our very first romantic date na medyo malayo sa work at sa kanila (kaya lang malapit sa bahay namin). This picture was taken at Bag of Beans Tagaytay. Astig yung araw na yun. Medyo epis pero may nagawa akong sa kanya ko lang nagawa at di ko inakalang magagawa ko pala.
Maaga palang pumunta na ko ng pasay para sunduin sya. Epic pa kasi muntik na kong makita ng team mate ko (paalam ko pa naman may sakit ako). Dumating na sya, medyo late sa usapan pero ok lang. Dapat pupunta kame sa Caleruega na hanggang ngayon di pa namin napupuntahan kaso ang traffic. On the way palang kame pacavite nagtext ang nanay ko dumaan daw ako sa birthday ng tita ko nandun daw sya. Sakto dumaan nalang kami doon ang damin tao. First time ko syang naipakilala sa nanay at sa mga tita ko. Ok naman haha nagkasundo sila. Ang ganda daw nya sabi ng nanay ko.
Pagkatapos ay nagpaalam nadin kame sa nanay ko para hindi gabihin. Dumaan kame sa bahay para kunin ang kotse at doon ko nadin sya pinakilala sa tatay ko.
At eto na nga yung eksena sa bag of beans. Wow! Malapit lang ako dito pero first time ko napuntahan. Romantic ng ambiance and it's actually my first time to be with someone sa ganoong klase ng lugar. We just ordered coffee and a slice of blue berru cheese cake. After namin kumaen picture muna kame kasi ang ganda ng lugar (wala kaming dalang mono pad kaya buti nakisama samin dito si juya guard).
Ang hindi alam ni Lou, may nagaabang na surpresa pag labas namin. Pagdating namin sa parking lot, hindi ko muna sya pinapasok ng kotse. Maya maya pa dumating na yung isa kong pinsan may dalang gitara. Kinantahan ko sya ng "Ikaw lamang" by silent sanctuary. Sa kalagitnaan ng kanta dumating pa ang isa kong pinsan dala ang bulaklak (sabi nya kasi sakin 1st time nya raw makakatanggap nito). Inabot ko sa kanya ang bulaklak at kitang kita sa muka nyang gulat na gulat sya sa lahat ng nangyayari.
(salamat pala kay airyl at malcolm, ilang araw namin pinagplanuhan ang lahat)
Ewan ko ba. With her i can do things i haven't done before. Alam ko noong mga panahon na to mahal na mahal ko na sya. Gusto kong maranasan ang mga bagay na hindi nya pa naranasan before. At gusto kong mapasaya sya sa lahat ng oras na magkasama kame.
Saturday, October 21, 2017
10/20/2017 10:05 PM
Nandito nanaman ako sa kwarto ko. But it's good to be back naman, ilang days din akong hindi nakauwi at nakatulog dito. Pero ok lang dahil nakasama at naalagaan ko naman ang pinakamamahal kong tao.
Sa picture nga pala. Yan yung last day namin sa hospital. Magaling na sya oh. Ang ganda padin kahit kakagaling lang.
Kakauwi ko lang kasi nga naconfine si Love sa hospital, sabi nga dun sa huling post ko. 4 nights and 5 days din kaming nagstay dun. Hinding hindi ko makakalimutan yung mga araw na yun. Syempre ayokong nandun sya, ayoko naman na magkasakit sya at makitang nahihirapan. Pero kahit papaano may mga memorable din naman na pangyayari na naidulot ang pagstay namin sa hospital.
Nakakatuwa kasi kahit na ilang araw lang yun parang nagkaroon na ko ng routine. Simulan nalang natin sa gabi, habang nasa trabaho uwing uwi na ko. Gusto ko na talaga magearly out kasi alam kong pauwi na ang bantay nya (si tita at ang paborito kong anak na si ate Pau). Pakiramdam ko din miss na miss ko na sya at gusto ko na syang alagaan. So ang gagawin ko magpapaalam na agad ako sa boss ko para makauwi na. Dahil traffic hahabulin ko ang MRT para makauwi ng mabilis. Swerte naman at lagi ako nakakaabot. Habang papunta sa hospital bibili nadin ako ng pagkaen naming dalawa, ako kahit anong toppers lang sa mini stop. Si Love naman ang gusto nya may sabaw like sinigang at yung mga soup sa fast. food.
Pagdating ko sa hospital tulog pa sya kaya kahit gutom na ko hindi ko muna sya gigisingin para makapagpahinga pa. Maya maya pag ramdam kong paggising na din naman sya saka ko na sya gigisingin, tapos we'll hug each otheer. Then Ilalagay ko na yung table sa tabi ng hospital bed nya. Tapos ihahanda ko na yung mga pagkaen at sabay na kaming kakaen. Di ko makakalimutan yung mga moments na yun. Ok naman at nakakapagusap kame bago sya matulog. Sinisigurado kong ok na lahat ng mga kailangan nya like tissue and water bago sya matulog.
Bago ako matulog nililigpitan ko muna mga pinagkainan namen tapos nagaayos ayos ako ng mga gamit.
Then ilalagay ko na yung upuan sa tabi ng kama nya at dun ako matutulog ng nakaupo. 4 nights nakatulog ako ng mahimbing at di naman sumakit ang katawan ko.
Minsan magigising ako tapos pagmamasdan ko lang muka nya. Lagi ko lang nasasabi sa isip ko "hinding hindi na kita pababayaan, aalagaan kita para hindi ka na ulit magkasakit." Minsan nasasabi ko din "mahal na mahal kita at mamahalin kita habang buhay, ayoko ng magkahiwalay pa tayo".
Sa umaga naman pagkagising tatanungin ko na sya kung anong gusto nyang almusal kasi parang hindi talaga masarap yung rasyon na pagkaen sa hospital 😂. Ganun din sabay kameng kakaen habang nagkukwentuhan. Gusto ko din makakaen sya ng maayos para lumakas na agad sya at para sa paginom nya ng gamot. After kumaen minsan iidlip pa kame ng kaunti. Tapos ihahanda ko na din lahat ng kailangan nya para pag alis ko kasi kailangan ko na ulit pumasok ng trabaho. Sinisigurado kong may tubig sya pagkaen habang wala ako at iba pang kailangan nya. Then maliligo na ko bago pumasok sa trabaho.
At tuwing aaalis na ko para pumasok, hindi nya lang siguro alam pero napakirap talaga. Ang hirap kasi ayoko syang iwan ng wala pa kong kapalitan na makakasama nya. At syempre gusto ko lagi lang akong nasa tabi nya. Yayakapin ko sya ng mahigpit bago pumasok. Sa trabaho pagdating ko sya lang laging nasa isip ko. At ganun ulit ang routine hanggang matapos ang araw ko sa trabaho.
Hindi naman talaga magandang maexperience ang mahospital ka at mahospital ang mahal mo. Pero minsan kasabay nito may nga nabubuong memories na di mo rin makakalimutan.
Bukas ko na siguro ipopost to. Asusual ang bagal ng net sa bundok.
Monday, October 16, 2017
10/16/2017 11:54 PM
Nabigla nalang ako sa sinabi ng boss ko kanina na naadmit daw sya. Ganun na pala talaga kala yung iniinda nyang sakit, di lang nya magawang magpaadmit before dahil sa mga bata.
Pinagmamasdan ko sya ngayon habang natutulog. Ramdam kong mababaw lang ang tulog nya. Rinig ko din tuwing nahihirapan syang huminga. Kung pwede lang ipasa ang sakit nya papunta sakin. Kukunin ko lahat para ako nalang ang maghirap.
Napapaisip na ko simula ngayon. Gusto ko ng bawasan hanggang sa itigil na ang nakasanayan naming mga bisyo. Kahit pa naging bonding nanamin ang paginom at paninigarilyo, iba ng usapan kung ganito naman ang magiging epekto. Gusto ko pang mabuhay pa kame ng matagal. Gusto ko pa syang makasama ng habambuhay, matagal na habambuhay. Simula ngayon babantayan ko ng kalusugan nya. Hindi ko na hahayaang magkasakit pa sya ulit ng malala.
Di ko akalain na maadmit sya ngayon pero buti nalang kahit wala akong baong damit ay nagbaon naman ako ng maraming tulog. Bahala na akong dumiskarte bukas ng susuutin ko pagpasok sa trabahom 😂.
Sunday, October 15, 2017
10/15/2017 7:35 PM
It's Sunday again. Most of the time sunday lang naman ako nakakapag post dito sa blog na to. But itong post na to naisulat ko last week pa nakatulog nalang ako kaya hindi ko na naipost.
3:00 am na, pero gising na gising padin ako. Nakaupo lang ako habang pinagmamasdan ang dalawa sa pinakaimportanteng mga tao na dumating sa buhay ko. Gusto kong naaalagaan sila but I hate seeing them on lying this hospital bed. Lou and baby Zach have been confined here for 3 days already, because of Zach's skin allergy and Lou's heavy cough and cold.
Kung pwede ko lang kunin sa kanilang dalawa yung sakit nila gagawin ko makabangon lang sila dito at makalabas na ng hospital. Ang hirap ng makitang mong niirita sa swero ang isang tao lalo na sa isang baby na isang taon pa lamang. Tapos kitang kita mo ang pagkainip nya kasi maghapon at magdamag syang nakakulong sa kwarto. Buti nalang sa umaga nailalabas namin sya ni Lou sa kwarto kahit saglit. Nawawala ang pagkairita ni Zach habang nasa labas kame, natutula din sya pag nakikita ang labas mg hospital na para bang gusto ng umuwi sa bahay.
Eto na nga nahinto ng saglit ang pagsusulat ko, sa tuwing aatakihin kasi ng ubo si Lou talagang napapabangon sya sa sobrang hirap. Kaya lalo syang hindi gumagaling kasi napupuyat sya dahil dito. Wala naman akong magawa kung hindi hagurin ang likod nya habang inaatake ng ubo at iaabot sa kanya kung anong kelangan nya.
Pangatlong araw ko na silang binabantayan. Pagkatapos ng trabaho ko dito na ko sa hospital dumederecho. Halos wala padin akong tulog pero ok lang sakin mabantayan ko lang silang dalawa. Madalas ang dasal ko habang nasa loob ng hospital room na to na sana gumaling na sila ng tuluyan.
Oh sya idlip muna ako saglit kasi kelangan ko din umuwi maya maya para kumuha ng mga gamit. Sana pagbalik ko ok na sila or tulad ng pinagdadasal ko sana makalabas na sila.
I love you love. Dito lang ako palagi sa tabi mo. Sa tabi nyong dalawa ni baby zach. Hanggang sa gumaling kayong dalawa.
Nakalabas na din sila on their fourth day. Thank you lord and their both getting better.
3:00 am na, pero gising na gising padin ako. Nakaupo lang ako habang pinagmamasdan ang dalawa sa pinakaimportanteng mga tao na dumating sa buhay ko. Gusto kong naaalagaan sila but I hate seeing them on lying this hospital bed. Lou and baby Zach have been confined here for 3 days already, because of Zach's skin allergy and Lou's heavy cough and cold.
Kung pwede ko lang kunin sa kanilang dalawa yung sakit nila gagawin ko makabangon lang sila dito at makalabas na ng hospital. Ang hirap ng makitang mong niirita sa swero ang isang tao lalo na sa isang baby na isang taon pa lamang. Tapos kitang kita mo ang pagkainip nya kasi maghapon at magdamag syang nakakulong sa kwarto. Buti nalang sa umaga nailalabas namin sya ni Lou sa kwarto kahit saglit. Nawawala ang pagkairita ni Zach habang nasa labas kame, natutula din sya pag nakikita ang labas mg hospital na para bang gusto ng umuwi sa bahay.
Eto na nga nahinto ng saglit ang pagsusulat ko, sa tuwing aatakihin kasi ng ubo si Lou talagang napapabangon sya sa sobrang hirap. Kaya lalo syang hindi gumagaling kasi napupuyat sya dahil dito. Wala naman akong magawa kung hindi hagurin ang likod nya habang inaatake ng ubo at iaabot sa kanya kung anong kelangan nya.
Pangatlong araw ko na silang binabantayan. Pagkatapos ng trabaho ko dito na ko sa hospital dumederecho. Halos wala padin akong tulog pero ok lang sakin mabantayan ko lang silang dalawa. Madalas ang dasal ko habang nasa loob ng hospital room na to na sana gumaling na sila ng tuluyan.
Oh sya idlip muna ako saglit kasi kelangan ko din umuwi maya maya para kumuha ng mga gamit. Sana pagbalik ko ok na sila or tulad ng pinagdadasal ko sana makalabas na sila.
I love you love. Dito lang ako palagi sa tabi mo. Sa tabi nyong dalawa ni baby zach. Hanggang sa gumaling kayong dalawa.
Nakalabas na din sila on their fourth day. Thank you lord and their both getting better.
Sunday, October 1, 2017
10/01/2017 9:10 PM
Throwing back a bit 😊, I cant remember the exact date this happened. I can say this is our first date (first official date). Naaalala ko pa nun niyaya ko syang magramen kasi alam ko ramen is one of our many common denominators. Lakas pa ng loob kong yayain sya pero di naman ako napahiya, pumayag naman sya. Salamat sa supervisor ko pumayag syang maging 2hours yung lunch namin.
On that day masama ang pakiramadam nya, suot nya pa nga yung jacket ko. Pero go pa din sya 😊 (thankyou love). As I can remember nagsisimula palang akong manligaw sa kanya. Nakapagusap naman kaming dalawa. Di ko na maalala yung mga topic namin but it's one of the best lunch time i've ever had.
After the ramen nagmamadali kaming bumalik sa office 😂 hingal na hingal pa kami kasi malayo yung nilakad namin kahit isang complex lang naman yung office at ramen house. Kelangan pa naming magyosi bago umakyat ng building kasi busog na busog kame. Start palang to ng mga dates namin, nasundan pa to ng nasundan at marami pang kasunod. Hayaan nyo ikukwento ko din sa inyo sa lahat.
On that day masama ang pakiramadam nya, suot nya pa nga yung jacket ko. Pero go pa din sya 😊 (thankyou love). As I can remember nagsisimula palang akong manligaw sa kanya. Nakapagusap naman kaming dalawa. Di ko na maalala yung mga topic namin but it's one of the best lunch time i've ever had.
After the ramen nagmamadali kaming bumalik sa office 😂 hingal na hingal pa kami kasi malayo yung nilakad namin kahit isang complex lang naman yung office at ramen house. Kelangan pa naming magyosi bago umakyat ng building kasi busog na busog kame. Start palang to ng mga dates namin, nasundan pa to ng nasundan at marami pang kasunod. Hayaan nyo ikukwento ko din sa inyo sa lahat.
Subscribe to:
Posts (Atom)





