Monday, October 16, 2017

10/16/2017 11:54 PM


Monday night. Di ko akalain na babalik pala ako dito sa hospital na to.

Nabigla nalang ako sa sinabi ng boss ko kanina na naadmit daw sya. Ganun na pala talaga kala yung iniinda nyang sakit, di lang nya magawang magpaadmit before dahil sa mga bata.

Pinagmamasdan ko sya ngayon habang natutulog. Ramdam kong mababaw lang ang tulog nya. Rinig ko din tuwing nahihirapan syang huminga. Kung pwede lang ipasa ang sakit nya papunta sakin. Kukunin ko lahat para ako nalang ang maghirap.

Napapaisip na ko simula ngayon. Gusto ko ng bawasan hanggang sa itigil na ang nakasanayan naming mga bisyo. Kahit pa naging bonding nanamin ang paginom at paninigarilyo, iba ng usapan kung ganito naman ang magiging epekto. Gusto ko pang mabuhay pa kame ng matagal. Gusto ko pa syang makasama  ng habambuhay, matagal na habambuhay. Simula ngayon babantayan ko ng kalusugan nya. Hindi ko na hahayaang magkasakit pa sya ulit ng malala.

Di ko akalain na maadmit sya ngayon pero buti nalang kahit wala akong baong damit ay nagbaon naman ako ng maraming tulog. Bahala na akong dumiskarte bukas ng susuutin ko pagpasok sa trabahom 😂.

No comments:

Post a Comment