Nandito nanaman ako sa kwarto ko. But it's good to be back naman, ilang days din akong hindi nakauwi at nakatulog dito. Pero ok lang dahil nakasama at naalagaan ko naman ang pinakamamahal kong tao.
Sa picture nga pala. Yan yung last day namin sa hospital. Magaling na sya oh. Ang ganda padin kahit kakagaling lang.
Kakauwi ko lang kasi nga naconfine si Love sa hospital, sabi nga dun sa huling post ko. 4 nights and 5 days din kaming nagstay dun. Hinding hindi ko makakalimutan yung mga araw na yun. Syempre ayokong nandun sya, ayoko naman na magkasakit sya at makitang nahihirapan. Pero kahit papaano may mga memorable din naman na pangyayari na naidulot ang pagstay namin sa hospital.
Nakakatuwa kasi kahit na ilang araw lang yun parang nagkaroon na ko ng routine. Simulan nalang natin sa gabi, habang nasa trabaho uwing uwi na ko. Gusto ko na talaga magearly out kasi alam kong pauwi na ang bantay nya (si tita at ang paborito kong anak na si ate Pau). Pakiramdam ko din miss na miss ko na sya at gusto ko na syang alagaan. So ang gagawin ko magpapaalam na agad ako sa boss ko para makauwi na. Dahil traffic hahabulin ko ang MRT para makauwi ng mabilis. Swerte naman at lagi ako nakakaabot. Habang papunta sa hospital bibili nadin ako ng pagkaen naming dalawa, ako kahit anong toppers lang sa mini stop. Si Love naman ang gusto nya may sabaw like sinigang at yung mga soup sa fast. food.
Pagdating ko sa hospital tulog pa sya kaya kahit gutom na ko hindi ko muna sya gigisingin para makapagpahinga pa. Maya maya pag ramdam kong paggising na din naman sya saka ko na sya gigisingin, tapos we'll hug each otheer. Then Ilalagay ko na yung table sa tabi ng hospital bed nya. Tapos ihahanda ko na yung mga pagkaen at sabay na kaming kakaen. Di ko makakalimutan yung mga moments na yun. Ok naman at nakakapagusap kame bago sya matulog. Sinisigurado kong ok na lahat ng mga kailangan nya like tissue and water bago sya matulog.
Bago ako matulog nililigpitan ko muna mga pinagkainan namen tapos nagaayos ayos ako ng mga gamit.
Then ilalagay ko na yung upuan sa tabi ng kama nya at dun ako matutulog ng nakaupo. 4 nights nakatulog ako ng mahimbing at di naman sumakit ang katawan ko.
Minsan magigising ako tapos pagmamasdan ko lang muka nya. Lagi ko lang nasasabi sa isip ko "hinding hindi na kita pababayaan, aalagaan kita para hindi ka na ulit magkasakit." Minsan nasasabi ko din "mahal na mahal kita at mamahalin kita habang buhay, ayoko ng magkahiwalay pa tayo".
Sa umaga naman pagkagising tatanungin ko na sya kung anong gusto nyang almusal kasi parang hindi talaga masarap yung rasyon na pagkaen sa hospital 😂. Ganun din sabay kameng kakaen habang nagkukwentuhan. Gusto ko din makakaen sya ng maayos para lumakas na agad sya at para sa paginom nya ng gamot. After kumaen minsan iidlip pa kame ng kaunti. Tapos ihahanda ko na din lahat ng kailangan nya para pag alis ko kasi kailangan ko na ulit pumasok ng trabaho. Sinisigurado kong may tubig sya pagkaen habang wala ako at iba pang kailangan nya. Then maliligo na ko bago pumasok sa trabaho.
At tuwing aaalis na ko para pumasok, hindi nya lang siguro alam pero napakirap talaga. Ang hirap kasi ayoko syang iwan ng wala pa kong kapalitan na makakasama nya. At syempre gusto ko lagi lang akong nasa tabi nya. Yayakapin ko sya ng mahigpit bago pumasok. Sa trabaho pagdating ko sya lang laging nasa isip ko. At ganun ulit ang routine hanggang matapos ang araw ko sa trabaho.
Hindi naman talaga magandang maexperience ang mahospital ka at mahospital ang mahal mo. Pero minsan kasabay nito may nga nabubuong memories na di mo rin makakalimutan.
Bukas ko na siguro ipopost to. Asusual ang bagal ng net sa bundok.

No comments:
Post a Comment