It's Sunday again. Most of the time sunday lang naman ako nakakapag post dito sa blog na to. But itong post na to naisulat ko last week pa nakatulog nalang ako kaya hindi ko na naipost.
3:00 am na, pero gising na gising padin ako. Nakaupo lang ako habang pinagmamasdan ang dalawa sa pinakaimportanteng mga tao na dumating sa buhay ko. Gusto kong naaalagaan sila but I hate seeing them on lying this hospital bed. Lou and baby Zach have been confined here for 3 days already, because of Zach's skin allergy and Lou's heavy cough and cold.
Kung pwede ko lang kunin sa kanilang dalawa yung sakit nila gagawin ko makabangon lang sila dito at makalabas na ng hospital. Ang hirap ng makitang mong niirita sa swero ang isang tao lalo na sa isang baby na isang taon pa lamang. Tapos kitang kita mo ang pagkainip nya kasi maghapon at magdamag syang nakakulong sa kwarto. Buti nalang sa umaga nailalabas namin sya ni Lou sa kwarto kahit saglit. Nawawala ang pagkairita ni Zach habang nasa labas kame, natutula din sya pag nakikita ang labas mg hospital na para bang gusto ng umuwi sa bahay.
Eto na nga nahinto ng saglit ang pagsusulat ko, sa tuwing aatakihin kasi ng ubo si Lou talagang napapabangon sya sa sobrang hirap. Kaya lalo syang hindi gumagaling kasi napupuyat sya dahil dito. Wala naman akong magawa kung hindi hagurin ang likod nya habang inaatake ng ubo at iaabot sa kanya kung anong kelangan nya.
Pangatlong araw ko na silang binabantayan. Pagkatapos ng trabaho ko dito na ko sa hospital dumederecho. Halos wala padin akong tulog pero ok lang sakin mabantayan ko lang silang dalawa. Madalas ang dasal ko habang nasa loob ng hospital room na to na sana gumaling na sila ng tuluyan.
Oh sya idlip muna ako saglit kasi kelangan ko din umuwi maya maya para kumuha ng mga gamit. Sana pagbalik ko ok na sila or tulad ng pinagdadasal ko sana makalabas na sila.
I love you love. Dito lang ako palagi sa tabi mo. Sa tabi nyong dalawa ni baby zach. Hanggang sa gumaling kayong dalawa.
Nakalabas na din sila on their fourth day. Thank you lord and their both getting better.
No comments:
Post a Comment